"May pag-asang pasusulungin ng komunidad ng daigdig ang prosesong pangkapayapaan at rekonstruksyon ng Afghanistan." Ito ang ipinahayag kahapon ni Wu Hailong, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations sa Geneva, sa pulong ng United Nations High Commissioner For Refugees(UNHCR) hinggil sa isyung may kinalaman sa refugees ng Afghanistan.
Sinabi ni Wu na kasalukuyang apektado ang Afghanistan ng digmaan at kaligaligan, at ito ay nagsisilbing pangunahing pinanggagalingan ng mga refugee sa daigdig. Aniya, ang isyu ng refugee ay makakasama hindi lamang sa rekonstruksyon ng Afghanistan, kundi maging sa katatagan ng bansa at rehiyon. Dagdag pa niya, ang pagpapasulong ng reskonstruksyon at kabuhayan ng bansa ay makakatulong sa komprehensibong paglutas sa naturang isyu.
Ipinahayag ni Wu na positibo ang Tsina sa prosesong pangkapayapaan at rekonstruksyon ng Afghanitan, at patuloy itong magbibigay-tulong sa bansang ito. Umaasa aniya siyang bibigyan ng komunidad ng daigdig ang Afghanistan ng mas malaking tulong para maayos na lutasin ang isyu ng refugee sa lalong madaling panahon, upang maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan, at kasaganaan ng bansa.