Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kabuhayang Tsino, patuloy na nagbibigay ng lakas na tagapagpasulong sa kabuhayang pandaigdig

(GMT+08:00) 2015-09-30 15:19:43       CRI

Sa isang artikulong ipinalabas kahapon, sinabi ni Wang Baoan, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, sa harap ng malaking presyur, nananatiling matatag at may-kabilisang pag-unlad ang kabuhayang Tsino. Aniya, ang kabuhayang Tsino ay patuloy na nagbibigay ng lakas na tagapagpasulong sa kabuhayang pandaigdig.

Ambag ng kabuhayang Tsino sa kabuhayang pandaigdig, pinakamalaki

Mula noong 2009 hanggang 2014, ang taunang paglaki ng GDP ng Tsina ay 8.7% na mas malaki kaysa 2% na paglaki ng kabuhayang pandaigdig noong panahong iyon. Lumampas naman sa 30% ang contribution rate ng kabuhayang Tsino sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at mas malaki rin sa 18% na contribution rate ng kabuhayang Amerikano.

Sapul noong 2014, bagama't bumagal ang paglaki ng kabuhayang Tsino, ito pa rin ay isa sa mga pinakamabilis na umuunlad na kabuhayan sa buong daigdig. Noong 2014, kumpara sa taong 2010, lumaki ng 4.1% at umabot sa 13.3% ang proporsiyon ng kabuhayang Tsino sa kabuhayang pandaigdig. Nananatili ring 30% ang contribution rate ng kabuhayang Tsino.

Bolyum ng pag-aangkat, patuloy na lumaki

Nitong ilang taong nakalipas, isinasagawa ng Tsina ang mas proaktibong patakaran ng pag-aangkat. Bagama't bumaba ang halaga ng pag-aangkat dahil sa malaking pagbaba ng presyo ng mga paninda, sa katotohanan, lumaki ang bolyum ng pag-aangkat. Halimbawa, mula Enero hanggang Agosto ng taong ito, 24.4% ang paglaki ng bolyum ng inangkat na pagkaing-butil, 12.1% ang paglaki ng copper ore, 9.8% ang paglaki ng krudong langis.

Sa kabuuang halaga ng pag-aangkat ng Tsina, mahigit sa 60% ang galing sa Asya, Aprika, at Latino-Amerika. Ito ay makakabuti sa pag-unlad ng kabuhayan sa mga lugar na ito.

Bilang ng outbound tourists at kanilang konsumo, mabilis na lumalaki

Noong 2014, lumampas sa 100 milyon ang bilang ng mga turistang Tsino na naglakbay sa ibang bansa, at noong unang hati ng taong ito, lumaki pa ng 16% ang bilang na ito. Samantala, nitong tatlong taong nakalipas, nangunguna sa daigdig ang halaga ng konsumo ng mga turistang Tsino sa ibang bansa. Noong 2014, lumampas sa 1 trilyong yuan RMB o 157 bilyong Dolyares ang halagang ito, at 11% ang proporsiyon nito sa kitang panturismo ng buong daigdig.

Direktang pamumuhunan ng Tsina sa ibang bansa, mabilis na lumalaki

Nitong tatlong taong nakalipas, nananatili sa ika-3 puwesto ng daigdig ang halaga ng direktang pamumuhunan ng Tsina sa ibang bansa. Mula Enero hanggang Agosto ng taong ito, umabot sa 77 bilyong Dolyares ang halagang ito, at lumaki ng 18.2% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Ang mga pamumuhunang ito ay pumunta, pangunahin na, sa mga umuunlad na bansa, at gumaganap ng positibong papel para sa konstruksyon ng imprastruktura at pagpapaunlad ng kabuhayan sa lokalidad.

Sa kasalukuyan, batay sa mungkahi ng "Silk Road Economic Belt" at "21st Century Maritime Silk Road," isinasagawa ng Tsina, kasama ng mahigit 60 may kinalamang bansa, ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at win-win result.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>