Isiniwalat kahapon ni Wang Bao'an, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na sa loob ng darating na 10 taon, kung pananatilihin ang tunguhin ng matatag na paglaki ng konsumo ng Tsina, may pag-asang lalampas sa 10 trilyong dolyares ang saklaw ng gastos ng konsumo ng bansa sa taong 2025. Bunga nito, makikinabang dito ang mga dayuhang consumer goods manufacturing industry.
Ipinalabas kahapon ni Wang ang isang artikulong pinamagatang "Nananatili pa ring pinag-uugatan ng puwersa ang kabuhayang Tsino para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig." Ipinahayag niya na ang malalimang pagpapasulong ng pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan ng Tsina ay hindi lamang nakakapaglatag ng matibay na pundasyon para sa pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad, kundi nakakalikha ng bagong pagkakataon para sa muling pagkabalanse at matatag na pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Dagdag pa niya, papasok ang kabuhayang Tsino sa isang mas matibay, mas mainam, at mas sustenableng yugto ng pag-unlad. Ito aniya ay makakapagpatingkad ng mas malaking papel bilang puwersang tagapagpasulong sa kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng