Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kabuhayang Tsino mula sa aspekto ng konsumpsyon ng koryente at railway freight volume

(GMT+08:00) 2015-10-09 12:50:56       CRI
Sa kanyang artikulong ipinalabas kamakailan, inanalisa ni Wang Baoan, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, ang bagong kalagayan ng kabuhayang Tsino, mula sa aspekto ng konsumpsyon ng koryente at railway freight volume.

Relasyon sa pagitan ng kabuhayan, konsumpsyon ng koryente at railway freight volume

Ayon kay Wang, sa sirkulo ng kabuhayan, may isang teoryang nagsasabing may direktang relasyon ang kalagayan ng kabuhayan sa konsumpsyon ng koryente at railway freight volume. Sa karaniwan, kung lalaki ang GDP ng isang bansa, lalaki rin ang konsumpsyon ng koryente at railway freight volume; at kung bababa ang GDP, bababa rin ang dalawang bolyum na ito. Dagdag ni Wang, pinatutunayan ng dating kalagayan ng kabuhayang Tsino ang teoryang ito.

Samantala, sa bagong kalagayan ng kabuhayang Tsino, nitong ilang taong nakalipas, halos walang paglaki ang konsumpsyon ng koryente sa Tsina, at bumaba din ang railway freight volume, pero bumagal lamang ng kaunti ang paglaki ng GDP ng Tsina. Kaugnay nito, sinabi ni Wang na hindi ito nangangahulugang walang bisa ang naturang teorya o hindi totoo ang mga estadistika ng Tsina, at ang resultang ito ay nagpapakita ng natamong progreso ng Tsina sa pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan, at pag-uupgrade ng mga industriya.

Bakit bumagal ang paglaki ng konsumpsyon ng koryente sa Tsina?

Sinabi ni Wang na ang pagbagal ng paglaki ng konsumpsyon ng koryente ay resulta ng mabilis na pag-unlad ng sektor ng serbisyo, pagsasaayos ng estruktura ng industriya, at pagtaas ng episiyensiya ng paggamit ng enerhiya.

Ayon sa paliwanag ni Wang, nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang sektor ng serbisyo ng Tsina. Lumampas ito sa secondary industry, at naging pinakamalaking sektor ng kabuhayang Tsino. At ang konsumpsyon ng koryente ng sektor ng serbisyo ay mas mababa kaysa konsumpsyon ng secondary industry na gaya ng pagmimina, manupaktura, konstruksyon, at iba pa. Kung pareho ang contribution to GDP, ang konsumpsyon ng koryente ng sektor ng serbisyo ay sangkalima lamang ng secondary industry.

Sa aspekto naman ng pagsasaayos ng estruktura ng industriya, nitong ilang taong nakalipas, inaalis ng Tsina ang ilang lumang industriyang malaki ang konsumo ng enerhiya. Ayon sa pagkalkula, nagdulot ito ng 4.8% na pagbawas ng konsumpsyon ng koryente. Hindi malaki ang epekto nito sa GDP.

Sa aspekto naman ng episiyensiya ng paggamit ng enerhiya, mayroon ding estadistikang nagpapakitang dahil tumaas ang episiyensiya na dulot ng pag-unlad ng teknolohiya ng mga industriya, bumaba ng 4.1% ang konsumpsyon ng koryente nitong apat na taong nakalipas.

Bakit bumaba ang railway freight volume sa Tsina?

Ayon sa pag-aanalisa ni Wang, ang mga pangunahing dahilan ay kinabibilangan ng pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan, pagpapaunlad ng malinis na enerhiya, at iba pa.

Nitong ilang taong nakalipas, isinasaayos ng Tsina ang over-capacity ng produksyon, at dahil dito, bumababa ang pangangailangan sa mga hilaw na materyal na gaya ng karbon, bakal, asero, metal, at iba pa. Nagdulot ito ng 9.8% na pagbaba ng railway freight volume.

Dahil naman sa pagpapaunlad ng Tsina ng mga malinis na enerhiya na gaya ng hydro power, wind power, nuclear power, at natural gas, lumiliit ang saklaw ng thermal power, at bumababa ang pangangailangan sa karbon. Ang pagbaba ng bolyum ng paghahatid ng karbon ay nagdulot ng 6.1% na pagbawas ng railway freight volume.

Batay sa mga nabanggit, sinabi ni Wang na dapat tumpak na pakitunguhan ang pagbabago ng konsumpsyon ng koryente at railway freight volume ng Tsina. Kailangan aniyang mapagtanto ang mga dahilan sa likod nito, sa halip na simpleng iugnay ang mga ito sa kalagayan ng kabuhayan. Ito ay para makagawa ng tumpak na paghatol sa kabuhayang Tsino, aniya pa.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>