Ipinahayag kahapon ni Mark Boleat, Chairman ng City of Corporation Policy and Resources Committee ang pagtanggap sa nakatakdang dalaw na pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Britanya.
Ipinahayag ni Boleat na kasalukuyang nananatiling mabilis ang kooperasyon ng Tsina at Britanya sa serbisyong pinansyal, lalo na ang internasyonalisasyon ng salaping Tsino, na RMB. Umaasa aniya siyang pasusulungin pa ng dalawang panig ang usaping ito para palawakin ang RMB business sa buong mundo.
Nitong ilang taong nakalipas, mabilis at malawakang umuunlad ang pagtutulungang pinansyal ng Tsina at Britanya. Noong 2011, nabuo ang RMB offshore market sa London, nilagdaan ng Tsina at Britanya ang Mutual Currency Swap Agreement, tiniyak ang clearing business service bank sa London, naitatag ang sangay na bangko na pinagpatakbo ng pondo mula sa Tsina, at iba pa. Noong 2014, umabot sa 61.5 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng daily RMB transactions sa London. At sa taong 2015 naman, naisakatuparan ang first listing ng Exchange Traded Fund(ETF) mula sa China Construction Bank sa London Stock Exchange(LSE).
Bilang "economic engine" ng Britanya at kapuwa world financial centre, kasama ng Wall Street, New York, kasalukuyang nagtitipon sa lunsod ng London ang mahigit 500 bangko at 180 stock exchange, mula sa ibat-ibang sulok ng mundo.