Ipinahayag ngayong araw ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang gagawing biyahe sa Britanya ngayong buwan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay lilikha ng "Ginuntuang Panahon ng Relasyong Sino-Britaniko". Sisimulan ni Pangulong Xi ang kanyang pagdalaw sa Britanya sa ika-20 ng Oktubre.
Sinabi pa ni Shen na nananatiling matatag ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Britanya. Makikita aniya ito sa pagkokomplimento sa isa't isa ng kabuhayan ng dalawang bansa.
Noong 2014, lumampas sa 80 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan sa paninda ng Tsina at Britanya. Ito ay mas mataas ng 15.3% kumpara sa 2013. Sa gayon, ang Britanya ay naging ikalawang pinakamalaking trade partner ng Tsina sa Unyong Europeo.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio