Sa Beijing—Mula ika-14 hanggang ika-16 ng buwang ito, itataguyod dito ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang Asian Political Parties' Special Conferences on the Silk Road na may temang "Muling Pagtatatag ng Silk Road, Pagpapasulong ng Komong Kaunlaran." Ang naturang pulong ay naglalayong pasulungin ang pagkaunawa ng mga partido ng mga bansang Asyano at mga kinauukulang bansa sa paligid ng Silk Road hinggil sa Belt and Road Initiative ng Tsina, at pagsasagawa ng mga may kinalamang kooperasyon.
Napag-alamang dadalo sa pulong ang mga kinatawan ng mahigit 60 partido at organisasyon ng mahigit 30 bansa. Bukod sa mga bansa sa Asya at sa paligid ng Silk Road, lalahok sa pulong bilang tagamasid ang mga organisasyon at partido ng Latin-Amerika at Aprika. Kabilang dito, kumpirmadong dadalo sa pulong ang pangulo ng Cyprus, punong ministro ng Kambodya, at pangalawang pangulo ng Maldives.
Salin: Vera