Ipinasiya kahapon sa pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pagtiwalag kay Guo Boxiong, dating Lider Militar ng Tsina, mula sa CPC dahil sa pagtanggap ng suhol.
Ang kaso ni Guo at mga kinauukulang ebidensya ay ililipat sa prokuraturang militar para hawakan ito alinsunod sa batas.
Ang 73 taong gulang na si Guo ay nanungkulan minsan bilang pangalawang tagapangulo ng Central Military Commission mula noong 2002 hanggang 2012.
Ayon sa pahayag na inilabas pagkatapos ng pulong, natuklasan ng imbestigasyon na sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, humanap si Guo ng promosyon at benepisyo para sa ibang tao. Tumanggap din siya ng suhol, pati na ang kanyang mga kapamilya.
Salin: Vera