Ayon sa ulat na ipinalabas kahapon sa website ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, sa panahon ng ika-12 panlimahang taong plano hinggil sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at lipunan ng Tsina, tinayang aabot sa halos 8% ang pangkalahatang taunang paglaki ng kabuhayang Tsino. Ito ay nangunguna sa mga pangunahing ekonomiya ng daigdig.
Sa naturang panahon, malalimang pagbabago ang naganap sa kalagayan ng Tsina at buong mundo. Pumasok sa bagong regular na kondisyon ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Aktibo ring kumikilos ang Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Konseho ng Estado para igarantiya ang matatag na paglago ng kabuhayan.
Bukod dito, kasabay ng aktibong pagpapasulong sa pagbabago ng pamamaraan ng pag-unlad ng kabuhayan, sa panahon ng ika-12 panlimahang taong plano, walang humpay na tumaas at tumataas ang kalidad ng takbo ng kabuhayan ng Tsina, at walang tigil na lumalakas ang kakayahan sa sustenableng pag-unlad.
Salin: Vera