Ayon sa ulat na inilabas kahapon ng Dutch Safety Board (DSB) hinggil sa imbestigasyon sa pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines, ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano ay nagmula sa pagsabog ng isang missile sa mag gawing itaas-kaliwa ng cockpit ng eroplano.
Binigyang-diin ng DSB na ang naturang ulat ay walang kaugnayan sa isyu ng responsibilidad sa insidente ng pagbagsak ng eroplano. Titiyakin ang isyung ito pagkatapos ng criminal investigation, anang DSB.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng Almaz-Antei, isang kompanya ng Rusya sa pagpoprodyus ng mga air defense weapons, na ang Flight MH17 ay pinuntirya ng missile sa lugar na kontrolado ng tropa ng Ukraine.
Noong ika-17 ng Hulyo ng taong 2014, bumagsak ang Flight MH17 ng Malaysia Airlines sa dakong silangan ng Ukraine at nasawi ang lahat ng 298 sakay nito.