Ipinahayag kahapon ng Safety Board ng Netherlands na sinusuri ngayon ng pandaigdig na grupong tagapagsiyasat ang 7 pinaghihinalaang labi ng missile launching system na natuklasan sa lugar kung saan bumagsak ang Flight MH17 ng Malaysia Airlines.
Ayon sa naturang konseho, unang-una, kailangang kumpirmahin ng mga tagapagsiyasat na ang naturang mga bagay ay labi ng missile launching system o hindi. Pagkatapos, sisiyasatin ang pinanggagalingan ng mga ito.
Sinabi rin ng konseho na hangang sa kasalukuyan, hindi dapat sabihing ang naturang mga bagay ay may kinalaman sa pagbagsak ng MH17.
Salin: Liu Kai