Sinabi kahapon ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), kaugnay ng pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines, kasalukuyang kailangang ipauna ang imbestigasyon sa katotohanan sa trahediyang ito at bigyan ng katarungan ang mga biktima.
Winika ito ng sugong Tsino makaraang hindi pagtibayin ang balangkas na resolusyon ng UN Security Council (UNSC) para itatag ang international tribunal hinggil sa imbestigasyon sa pagbagsak ng nasabing eroplano.
Labing-isa (11) sa 15 miyembro ng UNSC ang bumoto ng pagsang-ayon; ang Rusya ay tumutol at ang Tsina, Angola at Venezuela ay nag-abstain.
Idinagdag ng kinatawang Tsino na nakisangkot ang Tsina sa pagtakda ng nasabing balangkas at sa prosesong ito, palagiang nanawagan ang Tsina sa mga miyembro ng UNSC na magbuklod at iwasan ang komprontasyong pulitikal. Aniya pa, dahil hindi napagkasunduan ng mga miyembro ang hinggil sa nilalaman ng balangkas at ang sapilitang pagboto rito ay mauuwi sa paghiwalay ng UNSC, kaya, nag-abstain dito ang Tsina.
Salin: Jade