Sa Naypyidaw — Idinaos ngayong araw ang seremonya ng paglalagda sa Pambansang Kasunduan ng Tigil-putukan ng Myanmar. Ang opisyal na paglalagda sa nasabing kasunduan ay isang palatandaang natamo na ang prosesong pangkapayapaan ng Myanmar ang historikal at substansyal na progreso.
Lumagda sa kasunduan sina Thein Sein, Pangulo ng Myanmar, Min Aung Hlaing, Komander ng Hukbong Pandepensa ng Myanmar, at mga lider ng walong (8) sandatahang lakas mula sa iba't-ibang nasyonalidad.
Sa seremonya ng paglalagda, sinabi ni Thein Sein na bukas ang pinto ng kapayapaan ng Myanmar. Nanawagan din siya sa mga organisasyon mula sa iba't-ibang nasyonalidad na di-lumagda sa Pambansang Kasunduan ng Tigil-putukan na lagdaan ang kasunduang ito. Umaasa aniya siyang magkakasama silang magsisikap para pasimulan ang diyalogong pulitikal sa susunod na yugto at maisakatuparan ang target ng pangmalayuang kapayapaan sa bansa.
Salin: Li Feng