Sa panahon ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Britanya, sumang-ayon ang liderato ng dalawang bansa na lilikhain ang "Ginuntuang Panahon" sa komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig. Sinabi kahapon ni Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina na inaasahan ng kapuwa Tsina at Britanya ang paglikha sa "Ginuntuang Panahon" ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Sinabi pa ni Gao na ang Britanya ay isang maunlad na bansa, kung saan pinakamaagang naisakatuparan ang industrialisasyon, at ang Tsina ay pinakamalaking umuunlad na bansa: may pagkokomplomento aniya sa isa't isa ang kabuhayan ng dalawang panig at malaki rin ang potensyal ng kooperasyon.
Sinabi niyang magkakaroon ng mas maraming pagkakataon ang mga bahay-kalakal ng dalawang bansa, dahil sa mungkahi ng Tsina na "One Belt One Road," naging orihinal na miyembrong tagapagtatag ng Britanya sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at pagsasagawa ng "Plano ng Pagpapaunlad sa Dakong Hilaga ng England."
Sa kasalukuyan, ang Britanya ang ika-2 pinakamalaking trade partner sa Tsina sa Unyong Europeo, at ang Tsina ang ika-4 na pinakamalaking trade partner ng Britanya. Noong 2014, lumampas sa 80.8 bilyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa at ito ay lumaki ng 15.3% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Ang nasabing bilang ay lumaki ng doble kumpara sa 39.1 bilyong dolyares, 5 taon na ang nakalipas. Ang paglaking ito ang pinakamataas sa mga pangunahing partner ng Tsina sa EU.
salin:wle