Nagtagpo kahapon sa Vientiane, Laos, sina Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN China Center (ACC), at Khemmany Phornsena, Ministro ng Industriya at Kalakalan ng bansang ito.
Kaugnay nito, sinabi ni Yang na inaasahan niyang mapapahigpit ng biyaheng ito ang pag-uugnayan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at Laos, at makikita ang pagkakataong pangkooperasyon ng dalawang panig. Nakahanda rin aniya ang ACC na makipagkoordina sa Ministri ng Industriya at Kalakalan ng Laos, para pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Phornsena ang pagkatig sa "Silk Road Economic Belt" at "21st Century Maritime Silk Road" Initiative. Umaasa rin aniya siyang pahihigpitin ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa ang kooperasyon, para mas makinabang ang panig Laos sa rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan.
Salin: Liu Kai