Ipinahayag kamakailan ni Ng Eng Hen, Ministro ng Tanggulang-bansa ng Singapore ang suporta sa pagsisikap ng Tsina para sa seguridad at katatagan ng Asya-Pasipiko.
Sa katatapos na Xiangshan Forum sa Beijing, kabisera ng Tsina, sinabi ng ministrong Singaporeano na ang mga alitang panghanggahan ay hindi maaaring maging hadlang sa pagtatatag ng inklusibo at matiwasay na balangkas na panseguridad.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, sinabi niyang napakahalaga ng pagpapalakas ng pagtitiwalaan sa pagitan ng mga may-kinalamang bansa at pagpapasulong ng kanilang diyalogong pangkooperasyon. Para rito, dagdag pa niya, nakahanda ang Singapore na patuloy na gampanan ang papel nito bilang tagapagkoordina sa pagitan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Salin: Jade
Pulido: Rhio