Sa panayam kamakailan sa Reuters, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na walang duda ang soberanya ng Tsina sa mga isla sa South China Sea, at pinatutunayan ito ng mga katugong impormasyong pangkasaysayan. Sinabi ng Pangulong Tsino na ang kasalukuyang aksyon ng Tsina sa naturang karagatan ay para pangalagaan ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa. Samantala, tinututulan aniya ng Tsina ang anumang aksyon ng pagpapalawak ng teritoryo.
Binigyang-diin ni Xi na bilang mahalagang tsanel na pangkabuhayan sa karagatan, nagsisikap ang Tsina, kasama ng iba pang bansa ng ASEAN para pangalagaan ang katatagan at kaligtasan ng South China Sea. Aniya, kasalukuyang pinapasulong ng Tsina, kasama ng mga bansang ASEAN ang negosasyon hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea(COC), batay sa balangkas ng Declaration on Conduct of Parties in the South China Sea(DOC). Dagdag pa niya, patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng mga kapitbansa sa South China Sea para pangalagaan ang katatagan at mapagkaibigang pagtutulungan sa rehiyong ito.