Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang paggagaludadng langis ng Tsina sa East China Sea ay nasa walang pinagtatalunang teritoryo at nasa ilalim ng hurisdiksyon ng bansa.
Inihayag ni Hua ang nasabing paninindigan bilang tugon sa pananalita ng Hapon na di-umano'y unilateral na naggagaludad ng langis ang Tsina sa nasabing karagatan at ito'y labag sa kasunduan ng dalawang bansa sa paggagalugad ng langis na nilagdaan noong Hunyo, 2008.
Ipinahayag din ni Hua ang kahandaan ng panig Tsino na palakasin ang pagpapalitan ng dalawang panig batay sa apat-na-puntong prinsipyo na narating ng dalawang bansa noong 2014. Bukas din aniya ang Tsina na makipag-usap sa Hapon hinggil sa mga isyung may kinalaman sa East China Sea sa ilalim ng mekanismo ng Pagsasanggunian sa Mataas na Antas hinggil sa mga Isyung Pandagat.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio