Ginanap sa Beijing kahapon ang Diyalogong Ministeriyal ng Kooperasyon sa Seguridad ng Pagpapatupad ng Batas ng Tsina at ASEAN na may temang "Pasulungin ng Seguridad ang Pag-unlad." Pinagtibay sa pulong ang "Deklarasyon ng Beijing hinggil sa Diyalogong Ministeriyal ng Kooperasyon sa Seguridad ng Pagpapatupad ng Batas ng Tsina at ASEAN."
Ang nasabing pulong ay idinaos sa pagtataguyod ng Minsitri ng Pampublikong Seguridad ng Tsina. Dumalo rito ang mga ministro ng seguridad ng pagpapatupad ng batas mula sa iba't-ibang bansang ASEAN, Rusya, at Australia, at mga namamahalang tauhan ng Sekretaryat ng ASEAN, Shanghai Cooperation Organization (SCO), International Criminal Police Organization (ICPO), at mga diplomata ng iba't-ibang bansang ASEAN sa Tsina.
Tinukoy ng deklarasyon na dapat pabutihin ang kooperasyon ng plataporma. Dapat anitong patuloy na katigan at walang humpay na pabutihin ang mga umiiral na mekanismong pangkooperasyon na gaya ng Pulong Ministeriyal ng ASEAN sa Pagbibigay-dagok sa Transnasyonal na Krimen, at ASEAN Chiefs of Police Conference.
Itinakda rin ng deklarasyon na gaganapin ang naturang diyalogo bawat dalawang taon. Ang susunod na diyalogo ay gaganapin sa taong 2017.
Salin: Li Feng