|
||||||||
|
||
Peng Liyuan, kasama ni Soon-taek, kabiyak ni Pangkalahatang Kahilim Ban Ki-Moon ng UN
Dumalo kahapon ng umaga, local time, si Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina sa seremonya ng kauna-unahang pagsasapubliko ng commemorative stamp sheet hinggil sa mga may kapansanan.
Ang selyong ito ay isinapubliko ng Tsina at United Nations (UN). Kasama ni Peng si Yoo Soon-taek, kabiyak ni Pangkalahatang Kahilim Ban Ki-Moon ng UN.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Peng na sa okasyon ng Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng UN, inilabas ng Tsina at UN ang selyong ito. Ito aniya ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng kapwa panig sa usapin ng mga may kapansanan.
Peng Liyuan, kasama ng mga may kapansanan
Ayon kay Peng, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaan at lipunang Tsino ang mga may kapansanan, at natamo na ng Tsina ang kapansin-pansing bunga sa usaping ito. Aniya pa, ang pagpapasulong sa usapin ng mga may kapansanan ang nararapat para makapagtamasa sila sa pantay na trato, paggalang at pagmalasakit. Ito aniya ay komong responsibilidad ng buong lipunan. Dapat aniyang magkasamang magsikap ang buong lipunan para tulungan mga mga may kapansanan na matupad ang kanilang mga pangarap, at maging miyembro ng lipunan na may dignidad at makulay na pamumuhay.
Salin: Andrea
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |