Noong ika-24 ng Oktubre, sa bayang St George, Ontario ng Kanada, idinaos ang isang espesyal na parade ng kapasukuan para kay Evan Leversage, isang 7 taong gulang na batang lalaki.
Sa edad na 2 taong gulang, nagkaroon si Evan ng brain tumor at tinaningan na ang buhay nito. Natakot ang pamilya niyang hindi kayang hintayin ni Evan ang pagdating ng totoong kapaskuhan sa darating na Disyembre, kaya ini-organisa nila ang nasabing parade sa Oktubre. At pagkaraang malaman ang balitang ito, magkakasunod na umaksyon ang buong bayan at pinaganda ng ilang daang villagers ang kalye at kanilang bahay at parang pumasok sa kapaskuhan ang buong bayan.