Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga world record na may kinalaman sa pagkain

(GMT+08:00) 2015-09-17 17:22:07       CRI

Ang pagkain ay isa sa importanteng pangangailangan ng sangkatauhan at sa iba't ibang bansa, mayroon iba't ibang natatanging pagkain. Tingan natin ang ilang world record na may kinalaman sa pagkain.

Noong ika-25 ng Pebrero ng taong ito, sa Guadalajara, ika-2 pinakamalaking lunsod sa Mexico, gumawa ang mga lokal chef ng pinakamahabang Taco sa buong daigdig na umabot sa 2500 metro. Napag-alamang ginamit nila ang 4 toneladang karne at 36 libong corn powder.

Noong ika-22 ng Disyembre ng taong 2012, sa Moscow ng Rusya, gumawa ang Vegas, isang shopping center, ng pinakamalaking honey cake ng kapaskuhan sa buong daigdig na lumampas sa 2 tonelada.

Noong ika-2 araw ng Setymbre, 2013, mga 500 guro at estudyanteng galing sa Massachusetts Institute of Technology (MIT) ng Amerika ay gumawa ng isang super laking fruit salad na gumamit ng mahigit 15000 pounds na prutas na lumikha ng bagong Guinness World Record.

Noong ika-18 ng Abril, taong 2013, sa Tokyo ng Hapon, ang isang grupong binubuo ng 90 pastry chef at estudyante ay gumawa ng isang Swiss roll na may habang 130.68 metro at matagumpay na naagaw ang dating Guinness World Record na mga 115.09 metro. Napag-alamang, ginamit nila ang 54 kilo flour, 43 kilo asukal at 2682 itlog.

Noong ika-10 ng Abril, may panlaban sa Guinness World Records ang mga taga-Pateros: ang largest serving of balut na kasya sa 1,000 tao.

Noong ika-14 ng Pebrero, sa Qindao Internation Convention Center, mahigit 5 libong tao ang lumahok sa paggawa ng dumplings nang sabay-sabay at pagkaraan ng mahigpit na pagsusuri, umabot sa 3687 tao ang nagtulong-tulong sa paggawa sa loob ng nakatakdang panahon na lumikha ng bagong Guinness World Records.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>