|
||||||||
|
||
Ika-5, Latvia
Nitong nakalipas na ilang taon, nagpunyagi ang pamahalaan ng Latvia para kumpunihin at baguhin ang mga tradisyonal na arkitektura. Kinumpuni ang matatandang kastilyo, at binago rin ang malalaking tahanan.
Ika-4, Belau
Ang Belau ay isa sa mga destinasyong karapat-dapat na puntahan ng mga tagahanga diving. Upang mapangalagaan ang isang ekolohikal na kapaligirang pandagat na tinatawag na "Serengeti," ang lahat ng mga rehiyong pandagat sa loob ng Belau ay no-hunting area.
Ika-3, Estados Unidos
Ang pagtatatag ng mga pambansang parke ay isa sa mga "pinakamagandang kapasiyahan" sa kasaysayan ng Amerika. Hanggang sa kasalukuyan, itinatag ng pamahalaang Amerikano ang 59 na pambansang parke.
Ika-2, Hapon
Sa malaking modernong lunsod na tulad ng Tokyo, bumibisita pa rin ang mga manlalakbay sa mga templong kahoy na malapit dito. Bukod diyan, maramdaman ang atmosperang pangkasaysayan kapag nasa Tokyo.
Una, Botswana
Ang Botswana minsan ay isa sa mga pinakamahirap na bansa sa Aprika. Pero sa kasalukuyan, pinakamatatag sa Aprika ang lipunan ng bansang ito. Ang taong 2016 ay ika-50 anibersaryo ng pagsasarili ng Botswana. Bukod sa pagsaksi sa mga natamong tagumpay ng Botswana sa pulitika, kabuhayan at kultura, ang likas na kapaligiran sumasailalim sa mainam na pangangalaga ng lokalidad ay isa pang tampok ng paglalakbay sa bansang ito.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |