Idinaos sa Beijing ang Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina(CPC), mula ika-26 hanggang ika-29 ng buwang ito.
Sinuri at pinagtibay sa pulong ang "Prinsipyo ng CPC hinggil sa Pambansang Kabuhayan at Kaunlarang Panlipunan ng Ika-13 Panlimahang-taong Plano."
Ipinaliwanag sa pulong ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng CPC ang hinggil sa nasabing dokumento. Ipinalalagay sa pulong na ang pagsasakatuparan ng komprehensibong maginhawahang lipunan ng Tsina sa taong 2020 ay unang pansandaang-taong target ng CPC. Anito, bilang pinakamasusing yugto ng nasabing target, binalangkas ang nasabing prisipyo sa Ika-13 Panlimahang-taong Plano, para maisakatuparan ang target na ito.