|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon sa Seoul, Timog Korea, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Pangulong Park Geun-hye ng nasabing bansa.
Kapwa nila hinangaan ang magandang pag-unlad ng bilateral na relasyon at mga natamong bunga ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.
ipinahayag ni Li na nakahanda ang panig Tsino na ibayo pang pahigpitin ang mga kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng pagdadalawan sa iba't ibang antas, pambansang katiwasayan, estratehiya ng pagpapa-unlad, industriya, edukasyon, kultura, pinansiya, at kalakalan.
Sa kabilang panig, sinabi ni Park na nais ng kanyang bansang pahigpitin ang mga kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, pinansiya, manufacturing, kalusugan at medisina.
Kapwa nila ipinahayag ang pag-asa sa pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng dalawang bansa sa lalong madaling panahon.
Kaugnay ng kalagayan ng Korean Peninsula, inulit ni Li ang paninindigang Tsino sa panganglaga sa katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito, pagsasakatuparan ng ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula at paglutas ng mga isyu sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Bukod dito, ipinahayag ni Li na sinusuportahan ng Tsina ang mga pagsisikap para sa pagbuti ng relasyon ng Hilaga at Timog Korea at rekonsilyasyon ng dalawang panig.
Ipinahayag ni Park na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang mahalagang papel ng Tsina sa pagpapasulong ng ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula at panganglaga sa katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito.
Nakahanda aniya siyang patuloy na pasulungin ang proseso ng rekonsilyasyon ng Hilaga at Timog Korea.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, nilagdaan ng dalawang bansa ang 17 bilateral na dokumento ng mga kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, kultura, siyensiya, teknolohiya, pangangalaga sa kapaligiran, at pagsusuri sa kalidad ng mga paninda.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |