Sa Dalian, Tsina—Binuksan dito kahapon ang 2015 World Economic Forum (WEF), o tinatawag na "Summer Davos." Dumalo at nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas si Premyer Li Keqiang ng Tsina.
Sa kanyang talumpati, ibayo pang inanalisa ni Li ang tunguhin ng kabuhayang Tsino. Inulit niyang hindi lilitaw ang "hard landing" sa kabuhayang Tsino, at hinding hindi ilulunsad ng Tsina ang currency war.
Ipinalalagay ni Fahmy Tarazi, Propesor ng Harvard University, na ang naturang talumpati ni Li ay nagpadala ng napakapositibong signal sa komunidad ng daigdig. Buong pananabik na inaasahan niyang makikita ang bunga ng pag-iiwas ng "hard landing" ng kabuhayang Tsino.
Sa anggulo ng bunga ng inobasyon, binigyan ni Elisa Mallis, Chief Consultant ng Management Development Services Ltd., ng positibong pagtasa ang pag-unlad ng Tsina nitong nakalipas na ilang taon. Ipinalalagay niyang may maraming bunga ng inobasyon ang Tsina sa larangan ng siyensiya't teknolohiya. Magpapatingkad aniya ang Tsina ng papel sa proseso ng sustenableng pag-unlad ng sariling bansa, maging ng buong mundo.
Salin: Vera