Sa Yangon — Nagrali kamakalawa ang National League for Democracy (NLD) ng Myanmar na pinamumunuan ni Aung San Suu Kyi, lider ng oposisyon ng bansang ito. Nanawagan ito sa mga tagasuporta na aktibong lumahok sa pagboto ng gaganaping pambansang halalan. Ngunit dahil sa tadhana ng may-kinalamang batas ng Myanmar, hindi puwdeng lahukan ni Aung San Suu Kyi ang nasabing halalan.
Noong ika-29 ng nagdaang buwan, ipinahayag ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, na gaganapin sa ika-8 ng Nobyembre ang pambansang halalan ng Myanmar. Ito aniya ay isang malaking pangyayari sa proseso ng transisyon ng bansang ito. Dagdag pa niya, bilang mapagkaibigang kapitbansa, nananalig ang panig Tsino na may kakayahan ang Myanmar na isagawa ang isang maalwan at matagumpay na pambansang halalan. Nanawagan din siya na huwag panghimasukan ng lahat ng puwersang panlabas ang proseso ng halalan, at dapat ding likhain ng komunidad ng daigdig ang mainam na kapaligirang panlabas para sa transisyon ng bansang Myanmar.
Salin: Li Feng