|
||||||||
|
||
Ayon sa Market News International (MNI), isang ahensiya ng Alemanya na nagkakaloob ng impormasyon hinggil sa pandaigdig na pamilihang pinansyal, noong nagdaang Oktubre, umabot sa 55.6 ang Enterprise Confidence Index (ECI) ng Tsina. Ito ay mas malaki ng 8.3% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ayon sa ulat, isinagawa ng MINI ang pagsusuri sa 200 listed companies sa Shanghai at Shenzhen Stock Market. Ipinakikita ng resulta ng imbestigasyon na noong isang buwan, ang kapaligiran ng patakaran at tahimik na pamilihang pinansyal ay itinuturing na isang positibong elemento.
Ipinahayag ng mga bahay-kalakal na dahil sa maraming beses na pagbaba ng interes ng Bangko Sentral ng Tsina sa taong ito, ibayo pang bumaba ang gastos ng credit ng mga bahay-kalakal. Ito ay naging pinakamababang lebel sapul noong 2012.
Sinabi ni Philip Uglow, punong ekonomista ng MINI, na ipinakikita ng mga kasalukuyang ebidensya na maalwang nalampasan ng mga bahay-kalakal ng Tsina ang pinakamahirap na panahon sa taong 2015.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |