Ipinalabas kamakailan ng China Economic Net ang artikulo ni Zhang Yongwei, Pangalawang Puno at Mananaliksik ng Instituto ng Pananaliksik sa Bahay-kalakal ng Sentro ng Pag-aaral sa Pag-unlad ng Konseho ng Estado ng Tsina. Ang pamagat ng artikulong ito ay "Saan Nagmula ang Kompiyansa ng Bahay-kalakal."
Anang artikulo, ayon sa Enterprise Confidence Index (ECI) ng mga bahay-kalakal ng Tsina na isinapubliko ng Market News International (MNI), isang ahensiya ng Alemanya na nagkakaloob ng impormasyon hinggil sa pandaigdig na pamilihang pinansyal, noong nagdaang Oktubre, lumaki ng 8.3% ang ECI ng Tsina kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon na naging record sapul noong Marso ng taong 2011. Ito ay isang mahalagang signal na nagpapakita sa proseso ng pagharap sa presyur na ekonomiko at pagsasakatuparan ng transisyon, nagiging mas mahusay at matatag ang mga bahay-kalakal ng Tsina. Anito pa, may mas maraming kompiyansa ang mga bahay-kalakal ng Tsina sa kanilang mga negosyo at inaasahan ng macro-economy.
Salin: Li Feng