Sa kanilang paglahok sa ASEAN Defense Ministers' Meeting-Plus sa Kuala Lumpur, Malaysia, nagtagpo kahapon sina Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina at Ashton Carter, Kalihim ng Depensa ng Amerika.
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Chang ang kahandaan ng Tsina na magsikap, kasama ng Amerika, para pasulungin ang relasyong militar ng dalawang bansa.
Pagdating sa paglalayag ng bapor pandigma ng Amerika malapit sa isang isla ng Nansha Islands ng Tsina sa South China Sea, muling ipinahayag ni Chang ang pagtutol ng panig Tsino. Aniya, ang Nansha Islands ay likas na teritoryo ng Tsina, at ang konstruksyon ng Tsina sa mga islang ito ay hindi para igiit ang soberaniya. Dagdag niya, walang problema sa malayang paglalayag sa South China Sea, at ang naturang aksyon ng Amerika ay paggamit lamang ng isyung ito bilang pangangatwiran, para lapastanganin ang interes ng Tsina.
Binigyang-diin din ni Chang na ang isyu ng South China Sea ay may kinalaman sa nukleong interes ng Tsina, at hindi pahihintulutan ng mga mamamayan at tropang Tsino ang paglapastangan ng anumang bansa sa soberanya at mga interes ng bansa. Hinimok niya ang panig Amerikano na itigil ang lahat ng mga maling pananalita at aksyon, para hindi maulit ang ganitong mapanganib na pangyayari.
Salin: Liu Kai