Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kooperasyong Sino-ASEAN sa suliraning pandepensa, palalakasin

(GMT+08:00) 2015-11-05 18:02:59       CRI

Sa Kuala Lumpur — Nag-usap ngayong araw sina Chang Wanquan, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, at Hishmmudin Hussein, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Malaysia. Malalimang nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.

Sinabi ni Chang na nitong mga taong nakalipas, palagiang nananatiling mabilis ang pag-unlad ng relasyong Sino-Malay, at mainam ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang hukbo sa iba't-ibang larangan. Nakahanda aniya ang panig Tsino na palalimin ang pakikipagkooperasyon sa ASEAN sa seguridad ng suliraning pandepensa, at magkakasamang harapin ang iba't-ibang uri ng hamon para maigarantiya ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.

Sinabi naman ni Hishmmudin na kinakatigan ng kanyang bansa ang pagpapalalim ng kooperasyong ASEAN-Sino sa larangan ng suliraning pandepensa. Umaasa aniya siyang patuloy na kakatigan ng panig Tsino ang pag-unlad ng ASEAN.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>