|
||||||||
|
||
Si Chang Wanquan, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina
Dumalo kahapon si Chang Wanquan, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, sa Ika-3 ASEAN Defense Ministers' Meeting (ADMM)-Plus sa Kuala Lumpur. Nakipagpalitan siya ng kuru-kuro sa mga kalahok na puno ng mga departamentong pandepensa ng iba't-ibang bansa tungkol sa mga isyung gaya ng seguridad ng suliraning pandepensa sa rehiyon at buong daigdig.
Sa kanyang talumpati sa pulong, tinukoy ni Chang na kinakatigan ng panig Tsino ang pagpapatingkad ng mekanismo ng nasabing pulong ng konstruktibong papel para mapasulong ang pagtatatag ng bukas, maliwanag, at pantay na balangkas na pangkooperasyon ng kaligtasang panrehiyon. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng ASEAN para maitatag ang mas mahigpit na Community of Common Destiny at walang humpay na mapalalim ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa larangan ng suliraning pandepensa.
Ipinahayag din niya ang buong tatag na pagtutol sa pagpasok ng bapor pandigma ng Amerika sa may-kinalamang karagatan ng South China Sea (SCS). Hinimok niya ang panig Amerikano na totohanang igalang ang soberanya ng bansa at pagkahabalang panseguridad ng Tsina.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |