|
||||||||
|
||
Natapos kahapon ang botohan sa makasaysayang pambansang halalan ng Myanmar. Ayon sa Union Election Commission, nakatakdang yugtu-yugtong ilalabas ang resulta ng botohan simula ngayong araw.
Sa magkakahiwalay na okasyon, kapuwa nangako sina Pangulong Thein Sein at Senior General Min Aung Hlaing ng Myanmar Defense Services na igagalang ang resulta ng halalan.
Napag-alamang mahigit 33.5 milyong lehitimong voters ng Myanmar ang bumoto sa mahigit 46,000 polling stations sa buong bansa.
Sa kabuuan, 6,038 kandidato mula sa 91 partido pulitikal at 310 independent runner ang tumakbo para sa mahigit 1,000 puwesto sa House of Representatives (Mababang Kapulungan), House of Nationalities (Mataas na Kapulungan) at mga Parliamentong Panrehiyon at Pang-estado ng bansa.
Kapuwa ang naghaharing Union Solidarity and Development Party (USDP) at National League for Democracy (NLD), pinakamalaking partido oposisyon na pinamumunuan ni Aung San Suu Kyi ay mayroong kani-kanilang mahigit 1,100 kandidato sa halalan.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |