|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ng China Foundation for Peace and Development (CFPD), isang delegasyon ng mga dalubhasang Tsino sa kalusugan at pagpigil sa epidemya ang ipinadala kamakailan sa Magway, Myanmar para magkaloob ng lecture hinggil sa pagpigil ng epidemya, libreng paggamot sa mata at mga kagamitang medikal.
Ang mga dalubhasa ay mula sa Centers for Disease Control and Prevention ng Lalawigang Yunnan at The First People's Hospital ng Yunnan.
Ang nasabing proyekto ang sinimilan noong ika-28 ng Oktubre at ayon sa plano, ang mga ito ay tatagal ng 8 araw, pupunta sa iba't ibang lugar ng Myanmar na gaya ng Mandalay, Magway, Irrawaddy (Ayeyawaddy) at Yangon.
Pagkaraang maganap ang baha sa Myanmar noong Agosto, patuloy na nagkaloob ng tulong ang Pamahalaan at iba't ibang sirkulo ng Tsina sa mga apektadong purok sa Myanmar.
salin:wle
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |