Kaugnay ng pambansang halalan ng Myanmar na idaraos bukas, nanawagan kagabi si Pangulong Thein Sein ng bansang ito, sa mga botante na aktibong bumoto, at sa iba't ibang panig na igarantiya ang maalwang pagdaraos ng halalan.
Sinabi ni Thein Sein na mahalaga ang gagawing halalang ito, dahil kapag matagumpay ito, saka lamang itutuloy ang prosesong pulitikal ng Myanmar.
Tumatakbo sa kasalukuyang pambansang halalan ng Myanmar ang 6040 kandidato, para sa mahigit 1000 luklukan sa mga parliamento sa iba't ibang antas.
Salin: Liu Kai