Kahit binibilang pa ang mga boto sa pambansang halalan ng Myanmar, sinabi kahapon ng tagapagsalita ng Union Solidarity and Development Party (USDP), naghaharing partido ng bansang ito, na hanggang sa kasalukuyan, kaunti pa lamang ang nakuhang luklukan ng partido, at maliit ang posibilidad sa pagwawagi nito sa halalan.
Ipinahayag naman ng tagapagsalita ng National League for Democracy (NLD), pinakamalaking partido oposisyon ng Myanmar, na nakuha na ng partido ang 70% sa mga luklukan.
Sa kasalukuyan, hinihintay pa rin ng iba't ibang panig ang pormal na resulta mula sa Union Election Commission.
Salin: Liu Kai