Sa isang regular na preskon kahapon, ipinahayag ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang anumang reklamong teritoriyal ang Indonesia sa Nansha Islands ng Tsina. Aniya, ang soberanya ng Natuna Islands ay nabibilang sa Indonesia, at wala namang kontrobersya ang panig Tsino hinggil dito.
Ani Hong, sa kasalukuyan, matatag at malusog na umuunlad ang komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Indonesia. Magsisikap aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Indones, para walang humpay na mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong lebel.
Salin: Li Feng