Nang kapanayamin kahapon ng Interfax News Agency, sinabi ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na bagama't ang operasyon ng Amerika sa Syria ay lumalabag sa pandaigdig na batas, at mga resolusyon ng United Nations Security Council, nakahanda pa rin ang Rusya na makipagtulungan sa Amerika sa usaping ito, para magkasamang labanan ang mga ekstrimista sa Syria.
Dagdag ni Putin, inaasahan din niya ang pakikipagtulungan ng Amerika sa Rusya sa operasyon nito sa Syria bilang paglaban sa Islamic State.
Salin: Liu Kai