Sinabi ngayong araw ni Xie Zhenhua, espesyal na sugo ng Tsina sa mga suliranin hinggil sa pagbabago ng klima, na umaasa ang panig Tsino na mararating sa gagawing UN Climate Change Conference sa Paris ang kasunduang legally binding.
Isinalaysay ni Xie na ang pangunahing target ng naturang pulong ay pagkakaroon ng kasunduan hinggil sa pagpapalakas ng mga aksyon, pagkaraan ng taong 2020, bilang tugon sa pagbabago ng klima. Pero aniya, batay sa kalagayan ng preparatoryong pulong, umiiral pa rin ang pagkakaiba, lalung-lalo na hinggil sa kung papaanong ipakita ang "komon at nagkakaibang responsibilidad."
Nang araw ring iyon, ipinalabas ng Tsina ang taunang ulat hinggil sa mga patakaran at aksyon ng bansa bilang tugon sa pagbabago ng klima.
Ayon sa ulat, ipinalalagay ng Tsina na para marating ang naturang kasunduan, dapat isaalang-alang ang pagkakaiba sa pagitan ng mga umuunlad na bansa at maunlad na bansa pagdating sa pangkasaysayang responsilidad sa pagbabago ng klima, kasalukuyang kalagayan ng pag-unlad, at kakayahan sa pagharap sa pagbabago ng klima. Nanawagan din ang Tsina sa mga maunlad na bansa, na tupdin ang mga pangako hinggil sa pagbabawas ng emisyon, at pagbibigay ng tulong na pondo at teknolohiya sa mga umuunlad na bansa.
Salin: Liu Kai