Isinapubliko kahapon ng ekstrimistang grupo ng Islamic State (IS) ang pagpatay sa mga hostage na kinabibilangan ng isang Tsino. Kaugnay nito, bumigkas ng talumpati ngayong araw si Premyer Li Keqiang ng Tsina.
Ipinahayag ng Premyer Tsino na mahigpit na kinondena ng Pamahalaang Tsino ang pagpatay ng "Islamic State (IS)" sa mamamayang Tsino. Nagpahayag din siya ng lubos na pakikiramay sa kamag-anakan ng nasawi.
Idinagdag pa niya na lubos na pinahahalagahan ng Pamahalaang Tsino ang seguridad ng mga mamamayang Tsino sa ibayong dagat, tulad ng dati, palalakasin ang gawaing panseguridad sa mga mamamayan at organong Tsino sa ibang bansa.
Salin: Li Feng