Kinumpirma nitong Lunes ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang maikling pag-uusap kamakailan nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon.
Nagdaos ng maikling pag-uusap ang dalawang lider sa sidelines ng serye ng pulong hinggil sa pagtutulungan ng Silangang Asya na idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sa pag-uusap, sinabi ni Premyer Li na sa kasalukuyan, bumubuti ang relasyong Sino-Hapones. Angkop ito aniya sa interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Ipinagdiinan din ni Premyer Li na kung itutuloy ang magandang tunguhing ito ay nababatay kung matutupad ng administrasyon ni Abe ang pangako nito sa tumpak na pakikitungo sa mapanalakay na kasaysayan.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade