Nagtagpo kahapon sa Tokyo sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Pamahalaang Tsino, at Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon.
Sinabi ni Yang na umaasa siyang ibayo pang pahihigpitin ng dalawang panig ang diyalogo at pag-uugnayan, at pasusulungin ang pagpapalitan at mga aktuwal na kooperasyon sa iba't ibang larangan, para magkasamang pasulungin at pabutihin ang relasyong Sino-Hapones.
Ipinahayag ni Abe na nakahanda ang kanyang bansa na panatilihin ang diyalogo sa Tsina sa mataas na antas, pahigpitin ang mga kooperasyon sa kabuhayan at kultura, pasiglahin ang pagpapalagayang pansibilyan at maayos na hawakan ang mga hidwaan sa pagitan ng Hapon at Tsina.
Kapwa nila ipinahayag na ang matatag at malusog na relasyong Sino-Hapones ay nakakabuti, hindi lamang sa kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, kundi maging sa kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig.
Binigyang-diin ni Yang na umaasa siyang mabisang isasakatuparan ng Hapon ang four-point principled agreement na narating ng dalawang bansa hinggil sa pagpapasulong at pagpapabuti ng kanilang relasyon, na gaya ng maayos na paghawak at pagkontrol ng mga sensitibong isyu at paggigiit ng landas ng mapayapang pag-unlad.