|
||||||||
|
||
Nang kapanayamin ng media na Tsino, sinabi ni Le Luong Minh, Pangkalahatang Kalihim ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na bilang isa sa mga pinakamahalagang partner ng ASEAN, nagkakaloob ang Tsina ng malakas na pagkatig sa konstruksyon ng Komunidad ng ASEAN at nagbibigay ng ambag para sa integrasyon ng ASEAN.
Ipinahayag ni Le ang suporta ng ASEAN sa proposal na "Silk Road Economic Belt at 21st-Century Maritime Silk Road" o "Belt and Road Initiative" na iniharap ng Tsina para sa komong kaunlaran. Aniya, ang proposal ng Tsina ay angkop sa target ng ASEAN na may kinalaman sa pagpapalakas ng konektibidad. Idinagdag pa niyang ang konektibidad ay makakatulong sa pamumuhunan, kalakalan, turismo at kooperasyong pangkabuhayan ng rehiyon.
Sa katatapos na Ika-27 ASEAN Summit, ipinatalastas ng mga lider ng ASEAN ang pagtatatag ng Komunidad ng ASEAN sa ika-31 ng Disyembre, 2015, ayon sa iskedyul.
Tinukoy ni Le na dahil sa pagtatatag ng ASEAN Community, ang ASEAN ay magiging nagkakaisang market at base ng produksyon, isang rehiyong ekonomikal na may napakalaking kakayahang kompetetibo, isang rehiyon kung saan ang kabuhayan ay may balanseng pag-unlad at integrasyon sa pandaigdig na ekonomiya.
Idinagdag pa ni Le na ang pagtatatag ng Komunidad ng ASEAN at ang pagpapasulong sa talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay magbibigay ng mas maraming pagkakataong komersyal sa ASEAN, Tsina at iba pang partner ng ASEAN.
salin:wle
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |