Sa United Nations (UN) — Idinaos kahapon ang pulong bilang paggunita sa "International Day of Solidarity with the Palestinian People." Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe hinggil dito.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ng Pangulong Tsino na ang pagsasakatuparan ng komprehensibo at makatarungang paglutas sa isyu ng Palestina ay angkop sa kapakanan ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansa sa rehiyong ito, at ito rin ay nakakatulong sa pagpapasulong ng kapayapaan at katatagang pandaigdig. Aniya, ang paglutas sa isyung ito ay dapat buong tatag na gamitin ang paraan ng mapayapang talastasan.
Idinagdag pa ni Xi ang kahandaan ng Tsina na magsikap kasama ng komunidad ng daigdig para patuloy na makapagbigay ng ambag para sa pagsasakatuparan ng komprehensibo, makatarungan, at pangmatagalang kapayapaan sa Gitnang Silangan sa lalong madaling panahon.
Salin: Li Feng