Nagdiriwang ang mga Palestino sa pagsasakatuparan ng tigil-putukan sa Gaza Strip
Narating kahapon ng Isreal at Palestina ang kasunduan ng pangmatagalang tigil-putukan, salamat sa mediyasyon ng Ehipto. Ikinasiya ng UN ang bungang ito at nanawagan itong agarang mapanumbalik ang talastasang pulitikal.
Nang araw ring iyon, ipinalabas ang pahayag ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN na ang mas magandang hinaharao ng Gaza at Israel ay batay sa pangmatagalang tigil-putukan, at dapat akuin ang kapuwa dalawang panig ang pananagutan. Ang anumang aksyong labag sa kasunduan ng tigil-putukan ay ituturing bilang iresponsable.
salin:wle