Sa isang regular na preskong idinaos kahapon, ipinahayag ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na itatatag ng panig Tsino ang mga bagong instalasyong pansibilyan sa may-kinalamang reef ng Nansha Islands para isagawa ang pandaigdigang responsibilidad ng Tsina at makapagbigay ng mas mabuting produktong pampubliko at serbisyo sa mga bansa sa rehiyong ito.
Sinabi ni Hong na itatatag din ng panig Tsino ang ilang kinakailangang instalasyong pandepensa, at walang anumang kaugnayan ang mga ito sa militarization. Hindi ito nakatuon sa anumang bansa, at hindi rin ito hahadlang sa kalayaan ng iba't-ibang bansa sa paglalayag at paglipad sa South China Sea, alinsunod sa pandaigdigang batas, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng