Sa katatapos na Summit ng Silangang Asya, binanggit ng ilang bansa ang isyu ng "militarization" sa South China Sea (SCS). Kaugnay nito, ipinahayag ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pag-iiwas ng "militarization" sa SCS ay nangangailangan ng magkakasamang pagsisikap ng iba't-ibang bansa sa rehiyong ito at mga bansa sa ibang rehiyon.
Bilang bansang tagapangulo ng serye ng pulong ng Silangang Asya, ipinalabas ng Malaysia ang chairman's statement. Inulit ng pahayag na magkakasamang magsisikap ang iba't-ibang bansa sa rehiyong ito para mapangalagaan ang kapayapaan, kaligtasan, at katatagan ng nasabing karagatan.
Salin: Li Feng