Ayon sa Xinhua News Agency, ipinatalastas ngayong araw ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya nina Pangulong Francois Hollande ng Pransya at Tagapangulong Laurent Fabius ng Pulong hinggil sa Pagbabago ng Klima sa Paris, pupunta si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pransya mula ika-29 hanggang ika-30 ng Nobyembre 2015 para dumalo sa pagbubukas ng nasabing pulong.
Sa paanyaya naman ni Pangulong Robert Gabriel Mugabe ng Zimbabwe, isasagawa ni Pangulong Xi ang dalaw-pang-estado sa nasabing bansa mula December 1 hanggang 2, 2015.
Sa kabilang dako, isa pang dalaw-pang-estado ang gagawin ni Xi sa Timog Aprika, mula December 2 hanggang 5, 2015, sa paanyaya ni Pangulong Jacob Zuma ng nasabing bansa.
Salin: Li Feng