Ayon sa estadistikang inilabas noong Huwebes, Nobyembre 26, 2015 ng Philippine Statistics Authority (PSA), patuloy ang paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas sa ika-3 kuwarter ng taong 2015. Ayon sa PSA, ito'y mas malaki ng 6% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon, at mas mataas ito kumpara sa 5.2% na paglago noong unang kuwarter, at 5.8% na paglago noong ika-2 kuwarter. Ito ay nagpapakitang bumibilis ang tunguhin ng paglago ng pambansang kabuhayan ng Pilipinas, dagdag ng PSA. Batay sa mga datos nauna rito, pumangatlo sa Asya ang paglaki ng kabuhayan ng Pilipinas noong ika-3 kuwarter ng taong ito, kasunod ng 6.9% paglago ng Tsina at 6.8% paglago ng Biyetnam.
Nang araw ring iyon, binigyang-diin ng pamahalaang Pilipino na ang 6% paglago ay isang masiglang signal, at nagpapakita itong matatag na lumalago ang kabuhayang Pilipino.
Salin: Vera