Isang hapunan ang idinaos kagabi ng Singapore-China Business Association(SCBA) para gunitain ang ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Singapore at ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng nasabing organisasyon. Dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa ibat-ibang sektor ng dalawang bansa.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Chen Xiaodong, Embahador ng Tsina sa Singapore na nitong 45 taong nakalipas, patuloy na ginagampanan ng organisasyong ito ang mahalagang papel sa pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at Singapore.
Naitatag ang SCBA noong 1970. Ito ang naging responsable sa pagsasagawa ng kooperasyong pangkalakalan ng dalawang panig. Sa kasalukuyan, 500 kasapi ang bumubuo rito.